All about Him
meron akong gustong tao at alam ko gusto niya rin ako DATI.
hindi ko kasi siya nabigyan ng oras, hindi ko siya na pahalagahan at na take for granted ko siya, kasi akala ko, ako lang ang mahal niya at mamahalin niya.
1st year college na ako nun noong nagpadala ako sa RELIHIYON, pinilit kong iwasan siya at hindi siya pansinin, dahil hingid sa kaalaman niyo pareho kaming lalaki.
kaya’t hindi ko ipinalabas na gustong-gusto ko siya. :(
sembreak noong 1st year college ako, nabasa ko sa cp niya ang text ng nag ngangalang ‘baby’. nasaktan ako nun, pero hindi ko pinakita sa kanya. Halos di nga ako kumibo eh.
nagselos ako ng husto eh, hindi ko pina alam sa kanya dahil wala akong karapatan.
2nd Sem:
pinilit ko na limutin siya, hindi ko na siya tinetext.
dahil nag tampo ako sa kanya. di na ako nagpaparamdam.
pinilit ko talagang iwasan siya.
pero masaklap, na miss understood niya eh. ang akala niya. pinabayaan ko na siya,
kaya mas minahal niya yung baby niya :(((
Summer ng 1st year ako:
naging sweet na sila ng jowa niya, halos araw-araw silang magkasama, masakit na masakit sa akin, every night nga ako nagpapapansin eh.. ang masaklap, pinapagalitan ako ng jowa niya. :||
DAFUQ!
di ko alam kung sino pupuntahan ko.
masakit man, wala akong karapatang mag selos kasi hindi kami at hindi naging kami :(